Bakawan Festival Street Dancing Competition sa Orion

Matagumpay na naisagawa ang Bakawan Festival Street Dancing Competition na isa sa masasayang bahagi ng pagdiriwang ng piyesta ng Orion.

 

Itinampok sa nasabing kompetisyon ang kwento ng bakawan sa pamamagitan ng makukulay na kasuutan, kahanga-hangang galaw at malikhaing pagtatanghal na sumasalamin sa pagkakaisa at tagumpay ng lahat lalo na ng mga kabataan.

 

Sinabi ni Mayor Tonypep Raymundo na tunay ngang kahanga-hanga ang talento at dedikasyon ng mga kabataang Udyong, patunay na ang kanilang kultura ay patuloy na gumaganda sa pagsibol ng bagong henerasyon.

Leave a comment