Nitong ika-14 ng Mayo, 25 kabataang Mariveleños ang nabigyan ng laptop at sasailalim sa 15-Day Virtual Assistant Training sa ilalim ng HANEPBUHAY Program ng Aboitiz, GMEC at GNPD, katuwang ang Pamahalaang Bayan ng Mariveles at Local Youth Development Office. Ang pamamahagi ay ginanap sa Romalaine Resto and Leisure Park.
Ayon sa Aboitiz Power Corp, layunin ng programa na mabigyan nang sapat na kaalaman at kasanayan ang mga kabataan para sa mas malawak na oportunidad sa larangan ng makabagong panahon at online employment.
Kabilang sa mga dumalo sa nasabing programa sina Mariveles Executive Secretary Randall Butch Concepcion bilang kinatawan ni Mayor AJ Concepcion, Mr. Joseph Paulo Mendoza ng Aboitiz Power, Juan Miguel Perez ng Local Youth Development Office.
Nagpasalamat ang Pamahalaang Bayan ng Mariveles sa pamamagitan ni Exec. Sec. Randall Butch Concepcion sa patuloy na suportang ibinibigay ng Aboitiz, GMEC at GNPD sa mga kabataang Mariveleños tungo sa mas magandang bukas.