banner

Advisory group, nagbigay ng donasyon

Written by
Advisory group nagbigay ng donasyon
  • Zeny S.
  • 12 months ago

Pinangunahan ni Mayor Charlie Pizarro, Chairman ng Provincial Advisory Group for Police Transformation and Development (PAGPTD) ang ceremonial distribution ng kanilang mga donasyon sa Bataan PPO, na isinabay sa flag-raising ceremony at awarding ng PNP personnel with accomplishment na pinangunahan naman ni PDCol Palmer Tria.

Ayon kay Mayor Charlie Pizarro, ito ay isa lamang sa mga ninanais ng kanilang grupo na pakikipagtulungan sa kapulisan, na higit pa silang maging epektibo sa pagseserbisyo sa mga mamamayan gayundin pagbutihin pa ang digitalization ng Bataan PPO.

Nagpahayag naman ng suporta at pasasalamat si PD Col Palmer Tria sa grupo na ayon sa kanya, ang mga donasyon ay magbibigay ng inspirasyon sa pwersa ng kapulisan na maging episyente at masigla sa kanilang serbisyo. Kinuha na rin niya ang pagkakataon na magpasalamat sa lahat ng mga sumuporta sa tagumpay ng kanyang “Pulis at Pari back to back shootingfest” ang bahagi ng proceeds nito ay nakasama rin sa nasabing donasyon.

Ang mga donasyon ay kinabibilangan ng (4) na computer, (12 ) printer, (2) industrial fan at industrial mop, (2) grass cutter, (2) fiber glass ladder, mga webcams na ipinamahagi sa mga opisina ng PPSMU, Finance, HRRD, HRAO, PTOC, PESPO at OPD sa PHQ ng Bataan PPO.

Article Tags:
· ·
Article Categories:
Peace & Order

Leave a Reply

Shares