PATULOY na nakikipag-ugnayan sa mga manggagawa at pamunuan ng Desktop Bags Philippines, Inc. ang Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB) upang ma-resolba sa lalong madaling panahon ang sigalot sa naturang kumpanya.
Ayon sa pamunuan ng AFAB, nag-umpisa ang suliranin ng mga manggagawa nang palagdain sila sa temporary employment contract na ayon sa management ng Desktop ay isa sa mga paraan upang makabangon sa pagkalugi ang naturang kumpanya.
Ang Desktop Bags Philippines, Inc. at DLX Bags Philippines ay parehong gumagawa ng high end fashion bags na ibinebenta sa Japan, Europa at Estados Unidos. Ang dalawang kumpanya ay labis na naapektuhan ng pandemya kung kaya’t pahintu-hinto ang operasyon nito.
Ipinaliwanag pa ng AFAB na bagama’t ang dalawang kumpanya ay nasa ilalim ng Luen Thai Group of Companies, magkabukod ang operasyon nito at hindi umano maaapektuhan ang seniority rights at security of tenure ng mga mangagawa.
- Mayor Santiago donates land for shrine - February 23, 2021
- Bataan towns to put up SLFs - February 19, 2021
- We need a big deal of patience- Bishop Santos - February 19, 2021
Comments