News

Ayuda sa mga frontliners, patuloy

0

Pinangunahan ni 2nd District Representative Joet Garcia ang pamamahagi ng food assistance sa may 690 benepisyaryo sa bayan ng Hermosa.
Ayon kay Congressman Garcia, ang pamamahagi ng tulong sa mga frontliners ay bahagi ng programang Assistance to Individual in Crisis Situation (AICS) ng Pamahalaang Panlalawigan.

Ipinahayag pa ni Cong. Joet, na kailangang kilalanin at tanawin nating utang na loob at tulungan ang lahat ng mga partners ng pamahalaan sa pagbibigay ng serbisyo upang mapanatiling tahimik at payapa ang mga barangay habang nasa gitna ng pandemya.

Kabilang sa mga namahagi ng food assistance sa mga frontliners ay sina Mayor Jopet Inton, mga konsehal Luz Samaniego, Patrick Rellosa, Lou Narciso at SK Chairperson Bea Lim.

Dagdag pa ni Cong. Joet, na sa ating patuloy na paglaban kontra COVID-19 ay pagsusumikapan nating mapabilis ang paghahatid ng mga benepisyo sa ating magigiting na frontliners sa iba pang bayan sa ating Lalawigan.

80 per cent of FAB workers regularized

Previous article

Tulong pangkabuhayan, hatid ng DOLE sa Bataan

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in News