banner

Bagac Vaccination Center, bukas na!

Written by
  • Mhike R. C.
  • 4 months ago

Opisyal nang binuksan ang sariling vaccination site sa Bagac Central Elementary School, nitong Huwebes. Pinangunahan ni Bagac Mayor Ramil del Rosario at Sangguniang Bayan members ang pormal na pagbubukas nito kasama ang mga DOH personnel at Bagac RHU team.

“Maraming salamat po kay Gov. Abet Garcia at Cong. Joet Garcia sa mabilisang pag aksyon upang magkaroon ng lunas ang mga problemang dulot ng pandemic. Maraming salamat din po sa lahat nang nakiisa..sa ating mga Punong Brgys, SK Presidents, Lgu Dept Heads at employ-ees, Deped teachers, PHO/DOH at sa iba pang nagbigay ng kanilang oras para dito,” pahayag ni Mayor Del Rosario.

Nagpasalamat din si Del Rosario kay Fr. Noel C. Nuguid at sa kanyang mga kasamang kabataan sa aniya ay pagbabahagi ng kanilang time, treasure, at talent sa pag-organize ng vac-cination site.
Ayon pa kay Mayor Del Rosario, hinihikayat niyang makipag ugnayan sa kani-kanilang mga barangay health centers ang kanyang mga kababayan para aniya sa tamang impormasyon at schedule ng pagbabakuna.

Article Tags:
·
Article Categories:
COVID-19 News · News

Leave a Reply

Shares