banner

“Bagong taon, bagong pag-Asa”

Written by
  • Jonie L. C.
  • 11 months ago

Ito ang tinuran ni Vice-Governor Cris Garcia sa unang Lunes nang taong 2022 sa seremonya ng pagtataas ng watawat na ginanap sa The Bunker na dinaluhan ng mga kawani, panauhin at miyembro ng Sangguniang Panlalawigan.

Ayon kay Vice-Gov. Cris, ngayong taong 2022 kanilang ipagpapatuloy ang mga nasimulang programa at proyekto noong nakaraang taon upang lalo pang matulungan ang mga mamamayan at mapabuti ang kanilang mga buhay.

Sinabi din ng Bise- Gobernador, na kaisa ng Pamahalaang Panlalawigan ang Sangguniang Panlalawigan sa pagpasa ng mga makabuluhang resolusyon at ordenansa para sa kapakanan ng kanyang mga kababayan.

Hinimok din niya ang lahat na sumunod sa mga ipinatutupad na health protocols upang mapigilan ang pagkalat ng virus.

Article Tags:
· · ·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares