Social Welfare

Bahay para sa nasunugan, sisimulan na

0

Ito ang malinaw na sinabi ni Samal Mayor Aida Macalinao, kasama sina Elizabeth Cruz at Rody Calara sa isang pulong kahapon ng mga kinatawan ng bawat pamilyang naging biktima ng sunog sa Brgy West Calaguiman, upang pag usapan ang tulong na ipinaaabot ng Pamahalaan upang muling maitayo ang kanilang mga tahanan.

Ayon pa kay Mayor Aida, hangad umano ng Pamahalaang Bayan ng Samal na masimulan na ang konstruksyon ng kanilang mga bahay sa susunod na linggo upang maihabol na magawa pagsapit ng Dec. 16, para umano maramdaman ng bawat pamilya ang kapanatagan sa kanilang tahanan sa darating na Pasko.

Pinasalamatan ni Mayor Aida ang Pamahalaang Lalawigan ng Bataan sa pamumuno ni Gob. Abet Garcia sa pagkakaloob ng P800, 000.00 para sa mga construction materials, kay dating Mayor Gene dela Fuente na nag donate ng 3,000 ng hollow blocks, kay Elizabeth Cruz at Aaron Rondilla sa pangangasiwa ng paglikom ng mga donasyon sa pamamagitan ng BAHAYnihan: Rebuilding West Calaguiman, kay Cong. Geraldine Roman, kay G. Alex Acuzar, at marami pang iba at ang sama samang pwersa ng Pamahalaang Bayan ng Samal para ipadama ang kanilang aksyon at malasakit sa kanilang mga kababayan.

Gov. Tet Garcia, ipinakilala sa mga sasailaim sa SPES

Previous article

SBMA temporarily opens Subic hotels to returning OFWs

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply