NewsSocial Welfare

Balanseng pag unlad para sa 57 katutubo

0

Limampu’t pitong (57) mga kapatid nating katutubo ang binigyang pagpapahalaga at pagkakataon ni Dinalupihan Mayor Gila Garcia upang magkaroon ng balanseng pag-unlad sa katatapos na Launching Ceremony ng Project Balikatan sa Bataan (PBB) sa ilalim ng Poverty Reduction Livelihood and Employment Cluster (PRLEC) program ng TESDA sa pamumuno ni TESDA Regional Director 3, Atty Balmyrson M. Valdez.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mayor Gila Garcia na hindi sapat para sa kanya “ang magtanim nang konti at magbenta nang konti” dahil ang nais niya umano ay maitaas ang antas ng pamumuhay ng ating mga kababayan lalo na ang mga katutubo at matutunan ang pagne negosyo, makapag-ipon at kung papaanong ang puhunan ay mapapaiikot pa para kumita pa nang mas malaki.

Nais din ni Mayor Gila na ang mga katutubo sa kanyang bayan na hinati sa anim (6) na cluster ay magbuklod-buklod sa mga nasabing grupo para mas maraming maitanim, mas maraming anihin, mas maraming benta at mas maraming kita.
Unti-unti, ayon pa rin kay Mayor Gila ay matuturuan ang ating mga kapatid na katutubo, mula sa subsistence farming into sustainable agriculture tulad ng isinasagawa umano ngayon ng Israeli Pilot Program na sampung ektaryang taniman para sa sampung magsasaka, gayundin iba’t ibang pagsasanay ang ibibigay ng TESDA sa gabay ni Bataan Provincial Director Julie Banganan.

Samantala, sa mensahe ni TESDA Regional Director, Atty Balmyrson M. Valdez, ibinahagi nya ang karanasan ng isang kabataang katutubo na biktima ng pagputok ng Pinatubo na kanilang natulungan na maging iskolar ng TESDA; nagsikap na matuto ng mga tamang skills sa mga trainings sa TESDA, at dahil sa kanyang sipag at tiyaga ay isa na siya ngayong matagumpay at mahusay na trainor ng TESDA, na ipinadadala sa ibang bansa hanggang sa makapag asawa ng isang haponesa na piniling manirahan sa ating bansa.

Ibinahagi nya ito upang magsilbing inspirasyon sa lahat ng katutubo na hindi hadlang ang anumang balakid sa pagtatagumpay kung ang lahat ay may pagnanais na umunlad at magiging masipag. Hinikayat niya rin ang kahat ng mga kabataan, katutubo man o hindi, na nagnanais maging iskolar na lumapit sa kanya, para mabago ang takbo ng kanilang buhay.

45 magsing-irog sabay-sabay na ikinasal

Previous article

Proyekto ni Mayor Gila pinuri ng TESDA

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in News