Social Welfare

“BARANGAYnihan” ng Balanga PNP at Balanga City Lions Club

0

Nitong nakaraang lingo, matagumpay na naisagawa ng Balanga PNP at Balanga City Lions Club, ang isang community pantry sa Brgy. Upper Tuyo, Lungsod ng Balanga na may temang “BARANGAYnihan”.

Ayon kay G. Rey Gonzales, Pangulo ng Balanga City Lions Club, natutuwa sila sa pakikipagsanib pwersa ng PNP sa pamumuno ni LtCol. Sonia Alvarez sa BCLC dahil hindi lamang nila nakatuwang ang mga ito sa pagtataguyod ng peace and order situation kundi sila rin ang nagpa almusal ng lugaw sa may 200 residente na binigyan naman ng Lions Club ng mga bigas, de-lata, noodles, itlog, tinapay na donasyon ng kanilang mga miyembro.

Naging masaya at maayos ang nasabing community pantry dahil sa mahusay na superbisyon ng pulisya partikular na sa pagpapatupad ng mga minimun health protocols.

“No Contact Apprehension”, ipatutupad sa Bataan

Previous article

Gov. Delta ng Pampanga, nagdonate ng antigen test kits sa Bataan

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply