banner

Basura dumami dahil sa pandemya

Written by
  • Greg R.
  • 8 months ago

Pinag-uukulan ng pansin ng pamahalaang-bayan ng Orani ang pagsisinop ng basura dahil napansin ni Vice Mayor Em Roman na dumami umano ang basura ngayong panahon ng pandemya.

Sinabi ni Roman na mahigit sa P1 milyon ang binabayaran ng pamahalaang-bayan ng Orani sa Metro Clark Waste Management Corp. sa Tarlac kung saan dinadala ang basura.
Ayon pa kay Roman, pinag-uukulan muna ng pondo ng Orani ang pangbili ng bakuna “sapagkat ito ay napakahalaga para sa ating mga kababayan.”

Kaugnay nito, balak din magpagawa ng sanitary land fill ang Orani sa mga darating na panahon. “Nakaprograma na kay Mayor Efren Pascual, Jr, and pagpapatayo ng aming sariling sanitary landfill,” paliwanag pa ni Roman.
Gayun din, sinabi pa ni Roman na naudlot ang pagsasaayos ng eco-park sa Barangay Pag-asa dahil pa rin sa kakulangan ng pondo sanhi ng dumating na pandemya,

Article Tags:
·
Article Categories:
Environment

Leave a Reply

Shares