Bataan, handang-handa na sa mass vaccination

Matapos ang seremonyal na pagbabakuna na pinangunahan nina Bataan General Hospital and Medical Center (BGHMC) Chief, Dr. Glory V. Baltazar; Dr Luis R. Hizon, Dr. Ma. Bettina Santos, Dr. Jerry James Bunagan at mga opisyal ng BGHMC, ay buong pagmamalaking inanyayahan ni Gov. Abet Garcia kina Sec. Vince Dizon, Deputy chief implementer at tinaguriang Testing Czar at DOH 3 Regional Director Cesar Cassion, ang Mass Vaccination Facility na matatagpuan sa Bataan People’s Center (BPC), upang ipakita ang kahandaan ng Bataan sa mass vaccination.

Ayon kay Gov. Garcia, matapos mabakunahan ang lahat ng mga frontliners at mga staff ng mga pampublikong ospital, ay handa na ang ang mass vaccination facility sa naturang BPC upang makapagsimula nang mabakunahan ang lahat ng mamamayan ng lalawigan na nasa priority list.

Ang paghahanda sa nasabing pasilidad para sa pagbabakuna ay pinangunahan ni Dr. Rosanna Buccahan, Provincial Health Officer, samantalang ang tanggapan naman ni Provincial Administrator Geoff Loyola ang mangangasiwa sa registration.

Sinabi din ni Gob. Abet sa kanyang mensahe na matatapos lamang umano ang bangungot ng COVID-19 kung magkakaroon tayo ng matagumpay na vaccination program, na dito lamang tayo magkakaroon ng proteksyon para sa ating mga mahal sa buhay.

Leave a comment