News

Bayan ng Abucay, 434 na taon na

0

Nagkaroon ng simpleng selebrasyon ang LGU Abucay para sa ika-434 na taon ng pagkakatatag ng pinakamatandang bayan sa Bataan sa bagong gusali ng pamahalaang bayan.

Dinaluhan ito nina Bataan 2nd District Rep. Joet Garcia, Bataan Tourism Office chief, Alice Pi-zarro, dating Bokal Teri Onor at iba pang opisyal mula sa pamahalaang bayan at Kapitolyo.
Sa mensahe ni Municipal Administrator Engr. Estoy Vergara ay inisa-isa niya ang mga major accomplishments ni Mayor Liberato Pambato Jr. sa kanyang pamumuno bilang Alkalde.

Isa rito ay ang mga donated lands ni Mayor Santiago na ngayon ay tinatayuan ng mga major national government agencies kagaya ng COA, BIR, DOST, DOH at Phil. Red Cross, etc. para sa one-stop-shop sa mga basic services ng gobyerno.

Nag-ulat naman si Congressman Joet Garcia tungkol sa mga legislative accomplishments niya kagaya ng pagkakapasa sa dalawang kapulungan ng Kongreso ng kanyang panukalang batas na mahati sa tatlong congressional districts ang Bataan.

Si Bokal Teri Onor, sa kanyang maikling talumpati ay nag-ulat din ng kanyang mga naging proyekto sa kanyang bayan na bagamat wala aniya siya sa pwesto, ay malaki ang naitulong at naiambag sa mga mamamayang Abukeño.
Samantala, idineklarang Special Non-Working Holiday ang June 10, 2021, Huwebes para sa paggunita sa ika-434 na taong Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Bayan ng Abucay.

Mayor Jopet, nagpabakuna na

Previous article

Bagac Vaccination Center, bukas na!

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in News