NewsSocial Welfare

Bayanihan on Wheels sa Samal, gumulong na

0

Maraming residente ng Samal ang nabiyayaan kahapon mula sa donasyon ng Charoen Pokphand Foods Philippines (CPF) Corp na, 3,000 kilo ng tilapia sa isinasagawang “Bayanihan on Wheels” ni Mayor Aida Macalinao.

Noon din ay ipinamahagi ang mga nasabing tilapia sa mga mahihirap na mamamayan sa mga barangay ng Lalawigan, San Juan, Tabing-ilog, San Roque, Imelda, Calaguiman, at Daang Bago.
Ayon kay Mayor Macalinao, sa halip na community pantry ay Bayanihan on Wheels ang ginawa niya upang hindi magkagulo at mismong sa mga barangay na dinala ang mga pagkain na may koordinasyon sa mga opisyal ng barangay para masiguro na ang mga mabibigyan ay ang talagang nangangailangan. Ayon pa sa kanya, ang mga gulay, bigas, de-lata, tinapay, isda at iba pa ay donasyon ng mga pribadong mamamayan at mga grupo.

Si Gob. Abet Garcia ay nagdonate ng 250 kaban ng bigas gayon din ang Kinatawan ng Unang Distrito, Geraldine Roman.
Nauna na rito ay namahagi na rin sila ng mga bigas, gulay, groceries sa mga barangay ng Sapa at Lalawigan at tuloy pa rin ang pamamahagi ngayong araw na ito sa mga natitira pang barangay.

UNC Bataan offers accountancy, criminology courses

Previous article

Labor Day treat sa mga manggagawa

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in News