BBJVI Board, tinalakay ang mahahalagang programa at reporma sa operasyon

BBJVI Board, tinalakay ang mahahalagang programa at reporma sa operasyon

Sa regular na pagpupulong ng Lupon ng mga Direktor ng Bataan Baseco Joint Venture Inc. (BBJVI) noong ika-17 ng Marso 17, kanilang sinuri ang mahahalagang pag-unlad at mga estratehikong direksyon ng kumpanya.

Sa nasabing pulong, inilahad nina Chairman Rod Franco at President at CEO Jopet Inton ang mahahalagang datos at operational updates, kabilang ang kasalukuyang performance ng BBJVI at mga patuloy na proyekto nito.

Pinagtibay ng Board ang katitikan ng nakaraang pulong at tinalakay ang panukalang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng BBJVI at LandBank para sa pagpapatupad ng mas pinadaling payroll system at WeAccess enrollment.

Kinilala rin ang Business Development Report at ipinahayag ang suporta sa Meritocracy Act ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan, kasabay ng pagpapalakas ng performance measurement system para sa mas episyente, transparent, at accountable na operasyon.

Leave a comment

Live Search