BIR-Bataan maraming pangganyak sa mga taxpayers

Ibinalita ni RDO-20 Atty Mercedez “Teng” Estalila na marami silang ginagawang programa para maging maalam at mahikayat ang mga mamamayan na magbayad nang tamang buwis.

 

Noong buwan ng Pebrero nagsagawa sila ng mga seminars para sa mga taxpayers, bookkeepers at ngayong buwan ay pupunta sila sa mga munisipyo para magdaos ng information and on the-spot training sa paggawa ng income tax return at iba pang dokumento na isinusumite sa BIR. Nagsagawa din sila ng poster-making contest para sa mga college students tungkol sa pagbabayad ng tax.

 

Nagsimula na rin ang kanilang “Pa-premyo sa Resibo” kung saan kapag ang isang taxpayer ay makaipon ng 10 resibo, ito ay papalitan ng BIR ng payong or mug. Sa mga may negosyo, pwede nilang dalhin yong kanilang resibo mga duplicate at original para makapagpalit ng payong o mug.

Leave a comment