NewsSocial Welfare

BM Serrano namahagi ng tulong sa fire victims sa Orani

0

Apatnapu’t limang pamilya ang nabiyayaan ng tulong na ibinahagi ni former Orani Mayor at ngayo’y Provincial Board Member Benjie Serrano, Jr. sa mga biktima ng sunog sa Barangay Pantalang Bago, Orani, Bataan.

Personal na nagtungo si BM Serrano sa naturang barangay para maipamigay ang dalang tulong.
Nitong mga nakalipas na mga araw ay patuloy ang pagdagsa ng mga biyaya mula sa iba’t ibang personalidad, grupo at mga concerned citizens.
Matatandaan na noong nagdaang Mierkoles ng madaling araw ay tinupok ng malaking sunog ang 26 na kabahayaan sa naturang barangay.

Samantala, nagpapatuloy naman ang isinasagawang libreng gamutan, medical mission ni BM Serrano bilang bahagi ng kanyang naipangakong handog pasasalamat sa mga mamamayan ng Unang Distrito ng Bataan.
Sa Marso 15 mula alas nueve hanggang 3p.m. ay isasagawa ang Libreng Gamutan 2020 sa bayan ng Dinalupihan sa Dinalupihan Civic Center.

Bukod sa libreng medical check-ups ay libre din ang bunot ng ngipin, libreng gamot ay ipapamahagi din, libreng salamin o reading glasses at libreng anti rabbies (dogs and cats).
Katuwang ni BM Benjie Serrano Jr. sa naturang proyekto sina Gov. Abet Garcia, Vice Gov. Cris Garcia, Mayor Gila Garcia, Vice Mayor Rey Matawaran at SB Members, Filipino Chinese Charity Clinic, Rotary Club Kalookan at Central Inner Wheel Club Kalookan Central.

Educational tour to instill patriotic fervor

Previous article

4th Provincial Fire Olympics idinaos sa Bataan

Next article

You may also like

Comments

Comments are closed.

More in News