Education

BNHS nagdaos ng general orienration

0

Bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan, ang Bataan National High School (BNHS) sa pamumuno ng kanilang Principal na si Dr. Alma V. Poblete, ay nagdaos ng isang virtual general orientation na may temang “Handang Isip, Handa Bukas” para sa mga magulang na pinangunahan ni G. Jonathan Baldeo, MAPEH department head, kasama ang mga guro ng nasabing paaralan Sa kanyang mensahe, sinabi ni Dr. Poblete na higit nilang maibibigay ang mga pangangailangang pang edukasyon ng mga mag aaral kung may suporta ang mga magulang. Sinabi naman ni Gng. Soriano, pangulo ng General PTA, na walang dapat ikabahala ang mga magulang, kailangan lamang ay bukas ang linya ng komunikasyon ng bawat isa nang sa gayon anumang problema ay kanilang mareresolba.

Sa nasabing oryentasyon, ipinaliwanag ng mga guro ang iba’t ibang pamamaraan ng distance learning gaya ng tinatawag na modular kung saan ang mag aaral ay bibigyan ng mga modules at iba pang materyales na kanilang pag-aaralan sa loob ng kanilang tahanan; ang online kung saan ang mag aaral ay bibigyan ng access sa mga pinagkukuhanan o resources gamit ang mga gadget na may internet connection; ang blended kung saan maaaring gamitin ng mga guro ang FB messenger sa kanilang cellphone upang masubaybayan ang kanilang mga mag-aaral; ang radio o TV based instructions para sa pagpapaabot ng mga aralin sa mga mag aaral lalo na yaong walang gadget at home schooling, na isang alternative delivery mode kung saan ang mga magulang, o guardians na dumaan sa training ang awtorisadong magturo sa mga bata. Ipinaliwanag din ang buong proseso kung papaano dadalhin ang mga module, aklat, worksheet, activity sheet at answers sheet sa mga itinalagang mga drop off points na mga magulang lamang o guardian ang pwedeng kumuha at magbalik nito, gayundin ang mga Delivery Resources Output Process box para sa mga subjects ng grades 7, 8, 9 at 10.

5 kahong gin nasabat sa Mariveles checkpoint

Previous article

SB Mariveles recognizes heroism of local frontliners

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in Education