banner

Brgy. San Carlos, safety seal certified muli

Written by
  • Zeny S.
  • 4 months ago

Matapos ang masusing pagsusuri ng mga ahensya ng DILG, PNP at BFP ay muling nakamit ng Brgy. San Carlos, bayan ng Mariveles ang Safety Seal Certification sa ikalawang pagkakataon.

Ang nasabing sertipikasyon ay pagpapatunay na ang barangay ng San Carlos ay tumutupad sa minimum public health standards na ipinatutupad ng Bataan IATF at DOH upang mapigilan ang mabilis na pagkalat ng virus at hawahan sa mga empleyado ng barangay at mga mamamayang nagtutungo dito.

Nagpasalamat si Punong Barangay. Ivan Ricafrente sa validation team sa pangunguna ni MLGOO Haide Caraig-Balicolon para sa nasabing pagkilala.

Article Tags:
· ·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares