Cacao, pararamihin sa Bataan

Umabot sa 31,350 Cacao seedlings ang ipinamahagi sa ating mga kababayan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA) sa pamamahala ni Engr. Johanna Dizon.

Ayon kay Engr. Dizon, noong Hunyo ay naipamigay ang mga binhi sa mga magsasaka sa General Lim Orion, Tala, Pag-Asa sa Abucay at sa Balanga City.

Kamakailan ay nagbalidasyon ang OPA at natuwa sila nang makita nilang tumubo na ang mga ito, at mamumunga sa loob ng tatlo at kalahating taon.

Sinabi pa ni Provincial Agriculturist Dizon na naglaan din ang Pamahalaang Panlalawigan pondo para dito.

Idinagdag pa ng OPA Head na ang kanilang tinitingnan dito ay iyung may kakayanan kasi mahirap umano na magpatanim na hindi kayang suportahan, baka masayang lang umano ang programa.

May laman ng cacao ay may limang katangian: king of antioxidants, highest plant based source of iron, source of magnesium, it has more calcium than cows milk and natural anti-pepressants.

Tulad ng kape nais din ng OPA na paramihin ang plantasyon ng cacao sa Bataan.