banner

Cong. Gila Garcia, panauhin sa MAAP 25th Founding Anniversary

Written by
  • Zeny S.
  • 2 months ago

Nanguna si Congresswoman Gila Garcia bilang panauhing pandangal sa pagdiriwang ng ika-25 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Maritime Academy of Asia and the Pacific (MAAP) sa Mariveles.

Kabilang sa mga opisyal na dumalo sa nasabing pagtitipon sina AMUSOP Chairman Dr. Conrado Oca, IMMAJ ChairmanToshihito Inoue, gayundin sina Mayor AJ Concepcion, Konsehala Susan Murillo, Konsehal Ronald Arsenal, Punong Brgy. Dante Malimban ng Alas asin at MARINA Chief of staff Atty Japeth Dacanay.

Pinangunahan pa rin ni Cong Gila Garcia, mga opisyal ng MAAP at Mayor AJ Concepcion ang ribbon- cutting ceremony para opisyal na buksan ang MAAP photo exhibit ng kanilang kasaysayan, mga kaganapan at mga napagtagumpayan ng mga nakaraang taon.

Inilibot sina Cong Gila Garcia, Mayor AJ Concepcion at mga panauhin sa iba’t ibang pasilidad ng MAAP, kung saan ay personal nilang nakita at naranasan ang maritime simulation laboratory. Ayon sa opisyal ng MAAP, isa ang MAAP sa tatlong Maritime Academies sa buong mundo na mayroon ganong world-class facility.

Sa kanyang mensahe, binati ni Cong. Gila ang mga panauhin, mag aaral at mga magulang sa pagdiriwang ng ika-25 taong anibersaryo ng nasabing paraalan, na ayon pa sa kanya, dapat ipagmalaki at piliting makatapos ng pag aaral dahil world-class na paaralan ito, at kapag nakatapos ka dito ay tiyak na tiyak na ang iyong trabaho.

Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares