Cong Jett Nisay, ilulunsad “Kalusugan Campus Caravan”

Binisita kamakailan ni Cong Jett Nisay ng Pusong Pinoy Partylist si Dr. Francisco Hermoso, Pinuno ng Bataan Provincial Health Office para suportahan ang mga inisyatibang pangkalusugan sa Bataan.

 

Ayon kay Cong Jett, inilahad niya sa mga opisyal ng Bataan Prov’l Health Office na nais niyang ilunsad ang kanyang programa na “Kalusugan Campus Caravan” na tutungo sa bawat paaralan o maging sa mga Pamantasan, na agad naman ay nagbigay ng positibong suporta ang Prov’l Health Office, kasama na umano dito ayon pa kay Cong Jett, ang pagpaoalawak ng kaalaman tungkol sa mental health, HIV awareness at iba pang aspeto ng kalusugan para sa mga mag-aaral.

 

Dagdag pa ni Cong Jett Nisay, na patuloy ang pagtataguyod niya sa mga programang pangkalusugan ng pamilyang bataeño, prayoridad umano niya na maiwasan ang ang anumang sakit na dadapo sa kanyang mga kababayan, at layon niya na maging malakas at mas matatag pa ang mga mamamayan ng bataan.

Leave a comment