banner

Cong. Joet, namahagi ng mga gamit sa patubig

Written by
  • Jonie L. C.
  • 9 months ago

Kasama sina Vice Governor Cris Garcia, Provincial Agriculturist Engr. Joey Dizon, City Agriculturist Nerissa Mateo at Engr. Wendell Martin ng National Irrigation Administration, namahagi si Cong. Joet Garcia ng mga shallow tube well sa 41 magsasaka mula sa Ikalawang Distrito ng Bataan noong ika-26 ng Pebrero sa Doña Francisca covered court, Lungsod ng Balanga.

Ayon kay Cong. Joet, napapanahon ngayong pandemya ang pagtatanim ng gulay ng mga magsasaka bilang alternatibo sa pagtatanim ng palay.
Inumpisahan na sa bayan ng Dinalupihan sa pamumuno ni Mayor Gila Garcia, paggamit ng makabagong teknolohiya muka sa Israel ng mga maliliit na magsasaka upang maparami ang ani ng gulay, na gusto ni Gobernador Albert Garcia na ipalaganap sa buong Lalawigan.

Ipinakiusap naman ni Engr. Wendell Martin, sa mga magsasaka na gamitin ang mga kagamitang kanilang natanggap sa wastong pamamaraan at huwag ibenta.
Samantala, ibinalita naman ni Engr. Johanna Dizon, na 137 na ang mga Kaanib Sites sa Ikalawang Distrito na gagawing pilot area para tamnan ng iba’t ibang uri ng gulay bilang panimula sa diversification and modernization program sa Lalawigan. Ang mga ito ay makikita sa mga bayan ng Limay, Mariveles, Orion, Pilar at Bagac.

Ayon naman kay Vice Governor Cris Garcia, mapalad ang mga taga Bataan dahil ang mga lider ay tulung-tulong sa iba’t-ibang larangan upang iparamdam sa mga Bataeño ang mga programang pangkaunlaran.

Article Tags:
·
Article Categories:
Agriculture · News

Leave a Reply

Shares