Covid-19 Update

COVID-UPDATE: AUGUST 5, 2020

0

COVID-19 UPDATE:
Sa huling ulat ng PHO kahapon, ika-5 ng Agosto, umabot na po sa 460 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa ating Lalawigan, lima (5) ang mga nakarecover na at 151 ang nagnegatibo ang resulta ng test.

Lumabas sa contact tracing na lima (5) sa mga confirmed positive cases ay nagkaroon ng close contact sa mga nauna nang nagpositibo sa COVID-19. Sila ay ang mga sumusunod:
– Isang 61 taong gulang na babae mula sa Mariveles
– Isang 47 taong gulang na babae mula sa Mariveles
– Isang 48 taong gulang na babae mula sa Mariveles
– Isang 15 taong gulang na lalaki mula sa Orion
– Isang 65 taong gulang na lalaki mula sa Orani

Isa naman sa mga nagpositibo ay ang 23 taong gulang na lalaki mula sa Pilar na outpatient habang dalawa (2) sa mga nagpositibo ay pawang mga in-patient sa ospital sa ating Lalawigan:
– Isang 28 taong gulang na lalaki mula sa Dinalupihan
– Isang 29 na taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga

Ang iba pa sa mga kumpirmadong kaso ay ang mga sumusunod:
– Isang 52 taong gulang na lalaki mula sa Dinalupihan
– Isang 65 taong gulang na lalaki mula sa Dinalupihan
– Isang 32 taong gulang na lalaki mula sa Dinalupihan
– Isang 23 taong gulang na lalaki mula sa Dinalupihan
– Isang 58 taong gulang na lalaki mula sa Dinalupihan
– Isang 17 taong gulang na lalaki mula sa Dinalupihan
– Isang 45 taong gulang na lalaki mula sa Samal
– Isang 45 taong gulang na babaeng healthworker mula sa Limay
– Isang 39 na taong gulang na babae mula sa Limay na mayroong travel history

Sa kabuuan, umabot na po sa 272 ang bilang ng nakarecover na. Ang mga bagong nakarecover ay ang mga sumusunod:
– Isang 56 na taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
– Isang 36 na taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
– Isang 31 taong gulang na lalaki mula sa Limay
– Isang 8 taong gulang na babae mula sa Limay
– Isang 22 taong gulang na lalaki mula sa Limay

Ang bilang ng active cases ay 175 at labing tatlo (13) ang pumanaw na. Nasa 399 ang naghihintay ng resulta ng test; 7,840 ang nagnegatibo na at 225 ang mga bagong natest. Mula po noong ika-31 ng Enero hanggang sa kasalukuyan ay 8,699 na po ang natest sa ating Lalawigan.

Maaari po ninyong i-access ang real time monitoring ng Bataan sa pamamagitan ng link na ito:
https://datastudio.google.com/s/kSrdyGRcfx4

Upang hindi na po dumami ang kaso ng COVID-19, patuloy po ang ating tagubilin na palaging maghugas ng kamay, manatili sa inyong mga tahanan at kung kinakailangang lumabas ng bahay ay umiwas sa mga mataong lugar, magsuot ng facemask at mag observe ng physical distancing na isang metro.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa.

1Bataan
Latest posts by 1Bataan (see all)

LNG ship-to-ship transfer resumes in Subic, crew won’t disembark

Previous article

DPWH District 1 projects in full blast

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply