Covid-19 Update

COVID-UPDATE: AUGUST 6, 2020

0

COVID-19 UPDATE:
Sa huling ulat ng PHO kahapon, ika-6 ng Agosto, umabot na po sa 463 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa ating Lalawigan, lima (5) ang mga nakarecover na at 153 ang nagnegatibo ang resulta ng test.

Lumabas sa contact tracing na tatlo (3) sa mga confirmed positive cases ay nagkaroon ng close contact sa mga nauna nang nagpositibo sa COVID-19. Sila ay ang mga sumusunod:
– Isang 32 taong gulang na lalaki mula sa Limay
– Isang 13 taong gulang na lalaki mula sa Limay
– Isang 22 taong gulang na babae mula sa Orani na mayroon ding travel history sa Maynila

Sa kabuuan, umabot na po sa 277 ang bilang ng nakarecover na. Ang mga bagong nakarecover ay ang mga sumusunod:
– Isang 48 taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga
– Isang 35 taong gulang na lalaki mula sa Abucay
– Isang 64 na taong gulang na babae mula sa Limay
– Isang 34 na taong gulang na lalaki mula sa Limay
– Isang 31 taong gulang na lalaki mula sa Limay

Ang bilang ng active cases ay 173 at labing tatlo (13) ang pumanaw na. Nasa 427 ang naghihintay ng resulta ng test; 7,993 ang nagnegatibo na at 184 ang mga bagong natest. Mula po noong ika-31 ng Enero hanggang sa kasalukuyan ay 8,883 na po ang natest sa ating Lalawigan.

Maaari po ninyong i-access ang real time monitoring ng Bataan sa pamamagitan ng link na ito:
https://datastudio.google.com/u/0/reporting/daa2c0d5-00e0-4a1c-909a-1ad595e3b056/page/90hMB?s=qSqwBj-u5J4

Upang hindi na po dumami ang kaso ng COVID-19, patuloy po ang ating tagubilin na palaging maghugas ng kamay, manatili sa inyong mga tahanan at kung kinakailangang lumabas ng bahay ay umiwas sa mga mataong lugar, magsuot ng facemask at mag observe ng physical distancing na isang metro.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa.

1Bataan
Latest posts by 1Bataan (see all)

Mayor Gila’s vision turns into a reality

Previous article

Roman wants mandatory constitutional education for high school

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply