Covid-19 Update

COVID-UPDATE: AUGUST 7, 2020

0

COVID-19 UPDATE: Sa huling ulat ng PHO kahapon, ika-7 ng Agosto, umabot na po sa 480 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa ating Lalawigan, anim (6) ang mga nakarecover na at 260 ang nagnegatibo ang resulta ng test.

Ang mga bagong kumpirmadong kaso ay ang mga sumusunod:
– Isang 59 na taong gulang na babae mula sa Abucay
– Isang 56 na taong gulang na babae mula sa Dinalupihan
– Isang 67 taong gulang na babae mula sa Dinalupihan
– Isang taong gulang na babae mula sa Dinalupihan
– Isang 6 na taong gulang na lalaki mula sa Dinalupihan
– Isang 30 taong gulang na babae mula sa Hermosa
– Isang 12 taong gulang na babae mula sa Hermosa
– Isang 9 na taong gulang na lalaki mula sa Hermosa
– Isang 48 taong gulang na lalaki mula sa Limay
– Isang 47 taong gulang na lalaki mula sa Orion
– Isang 15 taong gulang na babae mula sa Samal
– Isang 28 taong gulang na babae mula sa Samal
– Isang 38 taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga
– Isang 68 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
– Isang 48 taong gulang na babae mula sa Mariveles
– Isang 61 taong gulang na babae mula sa Mariveles
– Isang 24 na taong gulang na lalaki mula sa Mariveles na in-patient sa ospital sa ating Lalawigan

Sa kabuuan, umabot na po sa 283 ang bilang ng nakarecover na. Ang mga bagong nakarecover ay ang mga sumusunod:
– Isang 48 taong gulang na lalaki mula sa Dinalupihan
– Isang 30 taong gulang na lalaki mula sa Samal
– Isang 36 na taong gulang na babae mula sa Bagac
– Isang 49 na taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
– Isang 22 taong gulang na babae mula sa Mariveles
– Isang 39 na taong gulang na babae mula sa Mariveles

Ang bilang ng active cases ay 184 at labing tatlo (13) ang pumanaw na. Nasa 533 ang naghihintay ng resulta ng test; 8,253 ang nagnegatibo na at 383 ang mga bagong natest. Mula po noong ika-31 ng Enero hanggang sa kasalukuyan ay 9,266 na po ang natest sa ating Lalawigan.

Maaari po ninyong i-access ang real time monitoring ng Bataan sa pamamagitan ng link na ito:
https://datastudio.google.com/u/0/reporting/daa2c0d5-00e0-4a1c-909a-1ad595e3b056/page/90hMB?s=qSqwBj-u5J4

Upang hindi na po dumami ang kaso ng COVID-19, patuloy po ang ating tagubilin na palaging maghugas ng kamay, manatili sa inyong mga tahanan at kung kinakailangang lumabas ng bahay ay umiwas sa mga mataong lugar, magsuot ng facemask at mag observe ng physical distancing na isang metro.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa.

1Bataan
Latest posts by 1Bataan (see all)

Roman wants mandatory constitutional education for high school

Previous article

Rep. Roman tumulong sa mga Abukenyong naapektuhan ng lockdown

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply