COVID-UPDATE: NOVEMBER 15, 2020

COVID-19 UPDATE: Sa huling ulat ng PHO kahapon, ika-15 ng Nobyembre, umabot na po sa 3,012 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa ating Lalawigan, labing isa (11) ang mga bagong nakarecover at 106 ang nagnegatibo ang resulta ng test.

Lumabas sa contact tracing na sampu (10) sa mga confirmed cases ay close contacts ng mga nauna nang nagpositibo sa COVID-19.
1. Isang 31 taong gulang na babae mula sa Limay
2. Isang 94 na taong gulang na lalaki mula sa Orani
3. Isang 35 taong gulang na babae mula sa Orani
4. Isang 65 taong gulang na babae mula sa Mariveles
5. Isang 74 na taong gulang na babae mula sa Morong
6. Isang 25 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
7. Isang 25 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
8. Isang 13 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
9. Isang 22 taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga
10. Isang 51 taong gulang na babaeng health worker mula sa Orion

Ang iba pang kumpirmadong kaso ay ang mga sumusunod:
11. Isang 33 taong gulang na lalaking OFW mula sa Dinalupihan
12. Isang 30 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
13. Isang 27 taong gulang na lalaki mula sa Abucay

Sa kabuuan, umabot na po sa 2,766 ang bilang ng nakarecover na.
1. Isang 28 taong gulang na babae mula sa Orani
2. Isang 52 taong gulang na babae mula sa Dinalupihan
3. Isang 26 na taong gulang na lalaki mula sa Dinalupihan
4. Isang 29 na taong gulang na babae mula sa Limay
5. Isang 32 taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga
6. Isang 14 na taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
7. Isang 43 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
8. Isang 50 taong gulang na lalaki mula sa Abucay
9. Isang 22 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
10. Isang 41 taong gulang na babae mula sa Mariveles
11. Isang 37 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles

Ang kabuuang bilang ng active cases ay 183 at lahat sila ay naka isolate na; animnapu’t tatlo (63) ang pumanaw na; 260 ang naghihintay ng resulta ng test; 29,058 ang nagnegatibo na at 119 ang mga bagong natest. Mula po noong ika-31 ng Enero hanggang sa kasalukuyan ay 32,330 na po ang natest sa ating Lalawigan.

Maaari po ninyong i-access ang real time monitoring ng Bataan sa pamamagitan ng link na ito:
https://datastudio.google.com/s/vsS5vdEmMoM

Upang hindi na po dumami ang kaso ng COVID-19, patuloy po ang ating tagubilin na palaging maghugas ng kamay, manatili sa inyong mga tahanan at kung kinakailangang lumabas ng bahay ay umiwas sa mga mataong lugar, magsuot ng facemask at mag observe ng physical distancing na dalawang (2) metro.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa.
#1Bataan

Leave a comment