COVID-19 UPDATE: Sa huling ulat ng PHO kahapon, ika-16 ng Nobyembre, umabot na po sa 3,030 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa ating Lalawigan, labing walo (18) ang mga bagong nakarecover at 183 ang nagnegatibo ang resulta ng test.
Lumabas sa contact tracing na labing tatlo (13) sa mga confirmed cases ay close contacts ng mga nauna nang nagpositibo sa COVID-19.
1. Isang 88 taong gulang na lalaki mula sa Dinalupihan
2. Isang 4 na taong gulang na babae mula sa Dinalupihan
3. Isang 25 taong gulang na babae mula sa Dinalupihan
4. Isang 57 taong gulang na lalaki mula sa Limay
5. Isang 49 na taong gulang na lalaki mula sa Limay
6. Isang 43 taong gulang na lalaki mula sa Limay
7. Isang 24 na taong gulang na babae mula sa Mariveles
8. Isang 53 taong gulang na babae mula sa Morong
9. Isang 21 taong gulang na babae mula sa Orani
10. Isang 30 taong gulang na babae mula sa Orani
11. Isang 61 taong gulang na babae mula sa Orani
12. Isang 66 na taong gulang na lalaki mula sa Orani
13. Isang 48 taong gulang na babae mula sa Samal
Ang iba pang kumpirmadong kaso ay ang mga sumusunod:
14. Isang 39 na taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
15. Isang 50 taong gulang na babae mula sa Orion
16. Isang 90 taong gulang na babae mula sa Samal
17. Isang 58 taong gulang na babae mula sa Samal
18. Isang 29 na taong gulang na lalaking OFW mula sa Lungsod ng Balanga
Sa kabuuan, umabot na po sa 2,784 ang bilang ng nakarecover na.
1. Isang 21 taong gulang na lalaki mula sa Orani
2. Isang 66 na taong gulang na lalaki mula sa Orani
3. Isang 30 taong gulang na babae mula sa Mariveles
4. Isang 32 taong gulang na babae mula sa Mariveles
5. Isang 33 taong gulang na babae mula sa Mariveles
6. Isang 26 na taong gulang na babae mula sa Mariveles
7. Isang 28 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
8. Isang 27 taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga
9. Isang 18 taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga
10. Isang 58 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
11. Isang 22 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
12. Isang 25 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
13. Isang 23 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
14. Isang 6 na taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
15. Isang 27 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
16. Isang 25 taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga
17. Isang 3 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
18. Isang 70 taong gulang na lalaki mula sa Limay
Ang kabuuang bilang ng active cases ay 183 at lahat sila ay naka isolate na; animnapu’t tatlo (63) ang pumanaw na; 260 ang naghihintay ng resulta ng test; 29,241 ang nagnegatibo na at 201 ang mga bagong natest. Mula po noong ika-31 ng Enero hanggang sa kasalukuyan ay 32,531 na po ang natest sa ating Lalawigan.
Maaari po ninyong i-access ang real time monitoring ng Bataan sa pamamagitan ng link na ito:
https://datastudio.google.com/s/vsS5vdEmMoM
Upang hindi na po dumami ang kaso ng COVID-19, patuloy po ang ating tagubilin na palaging maghugas ng kamay, manatili sa inyong mga tahanan at kung kinakailangang lumabas ng bahay ay umiwas sa mga mataong lugar, magsuot ng facemask at mag observe ng physical distancing na dalawang (2) metro.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa. #1Bataan