COVID-UPDATE: NOVEMBER 17, 2020

COVID-19 UPDATE: Sa huling ulat ng PHO kahapon, ika-17 ng Nobyembre, umabot na po sa 3,041 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa ating Lalawigan, labing apat (14) ang mga bagong nakarecover at 208 ang nagnegatibo ang resulta ng test.

Lumabas sa contact tracing na apat (4) sa mga confirmed cases ay close contacts ng mga nauna nang nagpositibo sa COVID-19.
1. Isang 10 taong gulang na lalaki mula sa Samal
2. Isang 12 taong gulang na lalaki mula sa Samal
3. Isang 17 taong gulang na babae mula sa Abucay
4. Isang 14 na taong gulang na babae mula sa Abucay

Ang iba pang kumpirmadong kaso ay ang mga sumusunod:
5. Isang 42 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
6. Isang 42 taong gulang na babaeng APOR mula sa Lungsod ng Balanga
7. Isang 75 taong gulang na babae mula sa Orani
8. Isang 47 taong gulang na lalaking OFW mula sa Orani
9. Isang 91 taong gulang na lalaki mula sa Abucay
10. Isang 35 taong gulang na lalaki mula sa Abucay
11. Isang 55 taong gulang na lalaki mula sa Pilar

Sa kabuuan, umabot na po sa 2,798 ang bilang ng nakarecover na.
1. Isang 59 na taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga
2. Isang 38 taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga
3. Isang 31 taong gulang na babae mula sa Samal
4. Isang 50 taong gulang na lalaki mula sa Orion
5. Isang 18 taong gulang na babae mula sa Hermosa
6. Isang 28 taong gulang na babae mula sa Mariveles
7. Isang 64 na taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
8. Isang 57 taong gulang na babae mula sa Mariveles
9. Isang 47 taong gulang na babae mula sa Mariveles
10. Isang 20 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
11. Isang 27 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
12. Isang 11 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
13. Isang 3 taong gulang na babae mula sa Mariveles
14. Isang 47 taong gulang na lalaki mula sa Orani

Umabot naman sa animnapu’t lima (65) ang pumanaw na; ang mga bagong kaso ng pumanaw ay ang 75 taong gulang na babae mula sa Orani at ang 94 na taong gulang na lalaki mula sa Orani. Ang kabuuang bilang ng active cases ay 178 at lahat sila ay naka isolate na; 250 ang naghihintay ng resulta ng test; 29,449 ang nagnegatibo na at 209 ang mga bagong natest. Mula po noong ika-31 ng Enero hanggang sa kasalukuyan ay 32,740 na po ang natest sa ating Lalawigan.

Maaari po ninyong i-access ang real time monitoring ng Bataan sa pamamagitan ng link na ito:
https://datastudio.google.com/s/vsS5vdEmMoM

Upang hindi na po dumami ang kaso ng COVID-19, patuloy po ang ating tagubilin na palaging maghugas ng kamay, manatili sa inyong mga tahanan at kung kinakailangang lumabas ng bahay ay umiwas sa mga mataong lugar, magsuot ng facemask at mag observe ng physical distancing na dalawang (2) metro.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa.
#1Bataan

Leave a comment