COVID-19 News

Daan patungong ecozone sa Pilar, inuumpisahan na

0

Sinisimulan na ang daan patungo sa gagawing economic zone sa mga Barangay ng Wawa at Panilao. Ayon kay Mayor Charlie Pizarro, lalaparan ang daan ng hanggang 30 metro dahil malalaking cargo at container trucks ang dadaan dito patungong container terminal sa loob ng ecozone.

Dagdag pa ni Mayor Pizarro, ang pagtatayo ng economic zone ay project ng AFAB sa ilalim ng pamamahala ni Administrator Engr. Emmanuel Pineda, na nangakong papalitan ang lahat ng gusali na maaapektuhan segun sa laki at luwag.

Ang paglalagay ng mga factories sa nasabing lugar ay malaki ang maitutulong hindi lang sa mabilis na pag-unlad ng bayan ng Pilar kundi sa pagbibigay ng trabaho sa taong bayan maging sa mga karatig na munisipyo at ibang lugar.
Aabot sa 500 ektarya ang kabuuang sukat ng pagtatayuan ng nasabing ecozone kabilang na rito ang pagtatayuan ng modernong palengke at iba pang istraktura.

Curfew, other restrictions back in Subic Bay Freeport

Previous article

Isolation and vaccination facility, itatayo sa Pilar

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply