banner

Dalawang awards, nakamit ng Balanga CSWDO

Written by
  • Jonie L. C.
  • 2 years ago

Dalawang awards ang natanggap ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ng Balanga nitong nakalipas na taong 2019.
Ayon kay CSWDO Head, Ms. Gloria Abejar iginawad sa Lungsod ng Balanga ang Seal of Child-Friendly Local Governance noon pang buwan ng Abril ngunit nito lang buwan ng Nobyembre nila ito natanggap.

Ang isa pang nakamit ng Balanga ay ang plake na may tatak na 68th Anniversary ng LGU Balanga, Gapas Award 2019 Regional Winner.
Ibig sabihin lang umano nito na talagang hindi pinababayaan ng Pamahalaang Panlungsod sa pangunguna ni City Mayor Francis Garcia ang mga programa ukol sa mga bata.

Article Categories:
News · Social Welfare

Comments are closed.

Shares