banner

David, nagpasalamat sa mga Garcia

Written by
  • Greg R.
  • 6 months ago

Taos-pusong nagpasalamat si Limay town Vice Mayor Richie Jayson David sa mga biyaya at suportang ibinabahagi nina Congressman Jose Enrique Garcia III at Bataan Gov. Albert Garcia sa kanyang bayan.

Kasunod nito, humingi ng paumanhin si David sa mga residenteng naapektuhan ng proyektong-pangkaunlaran sa bayan ng Limay. Sa isang panayam sinabi ng bise-alkalde na hindi ninais ng pamahalaang bayan na makaperwisyo kundi ang abala umano ay bahagi ng patuloy na kaunlaran sa bayan.

Ayon kay David, ang Limay sa ngayon ay mayroon nang humigit-kumulang sa 70,000 populasyon at lalo pang dumarami sa pagdagsa ng mga dayo dahil sa mga trabahong dulot ng mga kumpanya sa industrial town.
“Kung mayron man po kaming pagkukulang, kami naman po ay gumagawa ng tamang paraan para maiwasto ang ilang bagay-bagay na dapat itama at kami po naman ay nagpapasalamat sa mga kritiko ng proyekto sa aming bayan,” paliwanag pa ng anak ni Vice Mayor David.

Sinabi pa ni Vice Mayor Richie na patuloy na nagsasagawa ng mga proyektong pangkaunlaran ang Limay dahil sa dumaraming populasyon at sa pag-unlad umano ay may kaakibat na abala sa ilang residenteng naapektuhan ng alikabok “at hinihingi namin ang kanilang pang-unawa.” Mas malaki umano ang magiging pakinabang ng mga taga-Limay kung mayayari ang mga proyekto kesa abala nito.

Ipinaliwanag pa ng batang David na ang lahat ng proyekto sa Limay na reclamation at construction ng by-pass road ay naaayon sa tamang proceso. “Kung meron man pong mga pagpuna ito po ay ipinagpapasalamat namin at lalo pang napapabuti ang aming mga plano at gawain sa ngalan ng kaunlaran “at gayon na lamang ang aming pasasalamat kina Congressman Joet at Governor Abet.”

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares