Education

Day Care Centers, mas tinutukan

0

Dahil sa pandemya, maraming batang mag-aaral sa mga Day Care Centers sa bayan ng Dinalupihan ang nalungkot dahil ang inaasam-asam nilang masayang pag aaral ay hindi matutupad.
Subali’t pinawi ni Mayor Gila Garcia ang kalungkutang ito sa pamamagitan ng pagkakaloob sa may 2,058 bata sa Day Care Centers ng tig 20 makukulay, masasaya at may kapupulutang aral na mga Aklat Adarna.

Ayon kay Mayor Gila talagang binigyan niya ng pagpapahalaga ang pag aaral ng mga bata, hindi lamang para matuto silang sumulat at bumasa kung hindi higit sa lahat ay mahubog nang tama ang kanilang pag-uugali, pakikipag-kapwa o ang pagiging mabuting bata.

Nagbigay halimbawa pa si Mayor Gila na natutuwang binasa ang isang aklat na may pamagat na “Tay at Nay” na talaga namang maeengganyo at maaaliw ang mga bata sa pakikinig.
Maging ang 104 na mga batang may special needs ay binigyan din ng mga Aklat Adarna na akma sa kanilang grade level.

Masaya ring ibinalita ni Mayor Gila Garcia na ang lahat 2, 058 bata sa mga Day Care Centers sa Dinalupihan ay recipient ng supplemental feeding ng DSWD Region lll.
Bilang dagdag, pagkakalooban din nila ng mga vitamins ang mga bata para masiguro ang kanilang kalusugan.

COVID-UPDATE: OCTOBER 21, 2020

Previous article

Modular orientation para sa mga magulang

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in Education