banner

Dugong Alay, Dugtong Buhay

Written by
  • Zeny S.
  • 2 years ago

Kapag para sa kabutihan ng mamamayan at sama-samang pinagtulungan, tiyak malaki ang pakinabang ng sambayanan tulad na lamang ng proyektong “Dugong Alay, Dugtong Buhay” na proyekto ng Lokal na Pamahalaan ng Mariveles, Brgy. Baseco Country, Red Cross, Baseco Joint Venture, Inc. at Rotary Club of Mariveles.

Ayon kay Punong Barangay Rod Luyo, ninais niya na magkaroon ng nasabing proyekto dahil na rin sa marami sa kanyang mga kabarangay ang talagang nahihirapan kapag nangangailangan ng dugo. Natutuwa umano siya dahil sa simpleng blood-letting na iyon ay nakalikom sila ng 66 bags ng dugo.

Ipinaliwanag naman ng kinatawan ng Red Cross na malaki ang benipisyo ng mga taong nagdo- donate ng dugo dahil una na rito, sila ay nakatutulong na sumagip ng buhay; pangalawa, may libreng health screening ang taong nagdonate; ikatlo, mahihikayat ang katawan niya na mag produce ng bagong blood cells, ikaapat, nakatutulong din ito na “magsunog” ng mga calories; at higit sa lahat may prayoridad na makakuha ng dugo sa Red Cross ang nagdonate kapag kanya itong kinailangan.

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares