Evacuation center, tapos na!

PILAR, Bataan – Umabot sa P6 na milyong piso ang halaga ng ipinatayong dalawang palapag na gusali sa likod ng munisipyo ng bayang ito.

Ayon kay Gobernador Albert Garcia ang nasabing gusali ay itinayo upang magsilbing evacuation center sakali mang magkaroon ng kalamidad tulad ng bagyo at iba pa.

 

Sinabi naman ni Provincial Engineer Ric Yuson na kayang maglaman ng 50 katao ang naturang evacuation center na phase pa lamang. Sa susunod na taon ay madadagdagan pa ito ng ganito rin kalaki.

 

Ikinagalak naman ni Mayor Alice Pizarro ang paglalagay ng evacuation center sa kanilang bayan.

Live Search