banner

FAB Trade Fair, dinagsa ng mga mamimili

Written by
FAB Trade Fair, dinagsa ng mga mamimili
  • Zeny S.
  • 7 months ago

Muling sumigla ang FAB sa pagbubukas ng FAB TRADE FAIR 2023, na may temang, “Where Happiness, Passion and Play Unite” na lalong pinasaya ng street dancing competition na nilahukan ng mga estudyante mula sa mga paaralang pampubliko sa bayan ng Mariveles.

Pinangunahan nina AFAB Administrator Mohammed Hussein Pangandaman at Mayor AJ Concepcion ang ribbon- cutting para sa opisyal na pagbubukas ng nasabing Trade Fair. Layon umano nito na muling ipakita sa mga mamamayan ang mga de kalidad na mga produkto ng FAB na mabibili sa murang halaga, gaya ng sapatos, bags, bedsheet, pillow cases, tennis ball at rackets, t-shirts at marami pang iba.

Ang nasabing Trade Fair ay magtatagal hanggang Dec. 23, 2023, at inaasahan na marami pang kompanya ang makikilahok.

Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares