banner

FAB workers naunawaan ng management

Written by
  • Greg R.
  • 1 year ago

Pilit na gumawa ng paraan ang pamunuan ng Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB) upang malutas ang sigalot sa kumpanyang FCF Manufacturing sa Freeport Area of Bataan (FAB).

Sinabi ni Hazel Keith Elloren, isa sa mga information officers ng AFAB, na maraming beses din nakipagpulong si AFAB Administrator Engr. Emmanuel Pineda sa pamunuan ng FCF Manufacturing at maging sa mga lider-manggagawa upang malutas sa madaling panahon ang sigalot.

Matatandaang tumigil sa kanilang gawain ang may humigit-kumulang sa 1,000 manggagawa ng naturang kumpanya dahil sa pagkakaantala ng kanilang sahod.

Noong ika-14 ng Enero pinasahod na ang mga manggagawa matapos tutukan nang husto ni Pineda ang problema.

Article Tags:
·
Article Categories:
Business · News

Leave a Reply

Shares