Gob. Abet “adopted son” ng Barangay San Carlos

Kamakailan, sa pangunguna ni Punong Barangay Ivan Ricafrente ng San Carlos ay ipinasa ang isang resolusyon na naglalayong maging “adopted son” ng kanilang barangay si Gob. Abet Garcia.
Sa katuwaan ni Gov. Abet Garcia ay binati niya ang mga mamamayan ng San Carlos sa pamamagitan ng barangay early warning and public announcement system o BEWPASS, na dinig sa buong barangay; ito rin ang kanilang ginagamit sa tuwing may kalamidad.

Tuwang-tuwa at may buong pusong pasasalamat namang tinanggap ni Gob. Abet ang pagkilala ng Sangguniang Barangay ng San Carlos sa kanya bilang isang kapatid at kabarangay.
Sinabi pa ni Gob. Abet, na sa patuloy na pagkakaisa nang lahat sa iisang layunin ng 1Bataan ay patuloy umano ang kanilang magiging pagtutulungan upang bumuti ang antas at kalidad ng pamumuhay ng bawat isa. Idinadalangin niya rin na ngayong darating na Kapaskuhan na maging masagana, maayos, malusog, at malayo sa panganib na dala ng COVID-19 ang bawat pamilya.
Samantala, sinabi naman ni PB Ivan Ricafrente, na kanilang napagkaisahan sa konseho na gawing adopted son si Gob. Abet dahil sa napakarami at walang patid na tulong na ibinibigay nito sa kanilang barangay.

Leave a comment