banner

Groundbreaking ng PAGCOR Multi-Purpose Evacuation Center

Written by
  • Zeny S.
  • 8 months ago

Nakatakdang ganapin ngayong Huwebes ang groundbreaking ceremony at laying of the time capsule para sa napakalaking proyekto na PAGCOR Multi-Purpose Evacuation Center sa Brgy. Gugo, bayan ng Samal.

Pangungunahan ni PAGCOR President at COO, Atty Alfredo Lim katuwang ang ating Gobernador Abet Garcia, Representative Geraldine Roman ng Unang Distrito ng lalawigan at Alkalde ng Samal, Aida Macalinao ang nasabing mahalagang okasyon.

Ang PAGCOR Multi- Purpose Evacuation Center ay itatayo sa may 7 ektaryang lupain ng Samal LGU sa Brgy. Gugo.
Sinabi ni Mayor Aida Macalinao na napakalaking tulong nito sa kanyang mga kababayan para magkaroon ng pansamanralang tutuluyan o evacuation center sa panahon ng kalamidad gayundin pwede rin naman umanong magamit na maging isolation facility ngayong panahon ng pandemya.

Sa nasabing programa ay nakatakda ring I turn-over ng PAGCOR ang milyong halaga ng tseke sa pamahalaang lokal ng Samal na pondo para sa pagtatayo ng nasabing gusali.

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares