COVID-19 NewsFeatured

Halos 50% ibinaba ng Covid-19 infection

0

Halos 50 porsiyento ang ibinaba ng Covid-19 infection sa Bataan.
Ito ang may pagmamalaking pahayag ni Bataan Gob. Albert Garcia sa harap ni Presidential Spokeman Harry Roque na nagdaos ng kanyang lingguhang press briefing sa Freeport Area of Bataan (FAB) auditorium sa Mariveles, Bataan nitong Huwebes.

“Nagagalak ako na dito sa Bataan ay pababa na ang trend at ito ay dahil sa pagsusumikap ng ating mga frontliners, mga lokal na pamahalaan at mga opisyal ng barangay” paliwanag ng gobernador.
Sinabi pa niya na 85 porsiyento maiiwasan ang coronavirus sa pagsunod sa mga protocol na ipinatutupad ng pamahalaan.

Masayang ibinalita ni Gob. Garcia na ang pamahalaang panlalawigan ay mayroon nang inihahandang mega isolation facility na maaaring tumanggap ng mula 300 hanggang 400 na Covid-19 patients.
Sa naturang press briefing ay kasabay ang mga tanong mula sa Malacanang press corps.

Latest posts by Greg Refraccion (see all)

COVID-UPDATE: OCTOBER 1, 2020

Previous article

COVID-UPDATE: OCTOBER 2, 2020

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply