Ito ang layunin ng Hataw, Takbo, Bataan, ayon kay Gov. Joet Garcia, na talagang gagawin itong community-based, ibaba sa mga barangay para iwas bisyo, pagkain nang tama at regular na ehersisyo.
Sinabi pa ng butihing Gobernador na ang unang edition ng Hataw, takbo, Bataan sa bayan ng Hermosa ay nagsilbing culminating activity ng kanyang Bisita Bayan.
Binigyang diin naman ni Mayor Jopet Inton na dapat umanong maging malusog ang lahat dahil ang malusog na mamamayan ay malusog na bayan at dapat iwasan ang paninigarilyo, kumain nang masustansyang pagkain at matulog sa tamang oras, dahil ang mga Hermosenos, kahit sasakit ang balakang, hindi susuko sa laban.
Hinikayat naman ni Pusong Pinoy Partylist Representative Jett Nisay na sana ay ituloy ang adbokasiya dahil ito’y tulong para maprotektahan ang pamilya, mga kaibigan laban sa masamang epekto ng paninigarilyo, na dapat ipamalita ang impormasyon hindi lamang sa lalawigan kundi sa buong bansa.
Samantala, sinuportahan naman ni Bokal Tonyboy Roman ang mensahe ng mga kasama sa pagsasabing, ipagpatuloy ang malusog na pamumuhay at regular exercise at congratulations umano sa mga kabataan for taking the first step.
Sa huli, sinabi ni Gov. Joet na naging napakasaya at matagumpay ang Hataw, Takbo sa Hermosa na siyang magiging batayan sa susunod na Bisita Bayan sa bayan ng Bagac para sa ating kalusugan.