COVID-19 News

Herd immunity, malapit na – Gob. Abet

0

Bagama’t matindi pa rin ang banta ng COVID-19 lalo na’t nakapasok na sa Bataan ang Delta variant, hindi ito naging balakid sa ating Pamahalaang Panlalawigan upang lalo pang pagsumikapan na maabot ang herd immunity sa ating Probinsya.

Ayon kay Gob. Abet, lalo pa nating bibilisan ang pagbabakuna upang agad nating maabot ang herd immunity dahil sa ngayon ay nakikipagkarera tayo sa napakadelikadong Delta variant.
Sinabi din ni Gob. Garcia, na sa linggong ito, ay aabot na sa 100,000 ang bilang ng mga nabakunahan na sa buong lalawigan na katumbas ng 30% ng ating populasyon, karamihan ay 1st dose pero humahabol na rin ang bilang ng 2nd dose; at kapag umabot tayo sa 200,000, yon ay 60% na, kaya konting konti na lang herd immunity na tayo.

Sinabi pa ng magiting na Gobernador na kapag dumating na tayo don, inaasahan na bababa na ang mga cases. Bukod sa isinasagawang prevent, detect, isolate, treat, reintegrate (PDITR) kasabay nito ang agresibong pagbabakuna ng Provincial Health office sa ating mga kababayan.

Dagdag pa ni Gob. Abet na sa oras na maging matagumpay tayo sa ating mga ginagawang ito, sa tulong ng ating mga kababayan, may herd immunity na tayo sa susunod na mga buwan at inaasahan nang magluluwag na tayo sa mga restrictions at tuluyan nang magbabalik sigla ang ating ekonomiya.

Subic Freeport workers start receiving COVID-19 vax

Previous article

Balanga City, Dinalupihan placed under state of calamity

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply