banner

‘Hindi lang bahay kundi pati trabaho’

Written by
NHA Cong Abet Garcia
  • Greg R.
  • 1 month ago

Hindi lang pabahay kundi pati na rin trabaho ang makakamit ng mga Bataeno lalo na ang mga benepisyaryo ng low-rise housing project sa Balanga City. Ito ang pahayag ni 2nd Dist. Congressman Albert S. Garcia sa turnover ng housing units para sa 216 na pamilya na pinangunahan ni Pangulong Ferdinang R. Marcos, Jr.

Sinabi ni Cong. Abet na dapat pangalagaan ang mga housing units na ipinatayo National Housing Authority sa ilalim ng programang pabahay ni Pangulong Marcos Jr .na may nakahanda nang mga pasilidad katulad ng apat na palapag na gusaling pampaaralan na binubuo ng 20 silid-aralan, multi-purpose building at covered court.

Pinasalamatan naman ni Balanga City Mayor Francis Garcia si Pangulong Marcos at ang NHA dahil sa naturang housing project na may linya na ng tubig at kuryente.

Article Categories:
Infrastructure

Leave a Reply

Shares