banner

Hindi pa tapos ang laban sa COVID

Written by
  • Zeny S.
  • 4 years ago

Ito ang pahayag ni Samal Mayor Aida Macalinao, bagamat iniulat na ni Municipal Health Officer Dr. Cristina Espino na zero active cases na ang Samal sa COVID-19 sa ngayon.

Ibayong pag-iingat pa rin ang paalala ng masipag na Mayor sa kanyang mga kababayan, na panatiliin pa rin ang pagsusuot ng facemask, face shield, social distancing, proper hygiene at paglimita sa paglabas ng bahay kung hindi naman kailangan.

Muling pinasalamatan ni Mayor Macalinao ang mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Samal lalo’t higit ang mga health workers na walang sawang nagsasakripisyo sa pagseserbisyo lalo na sa mga naging pasyente ng COVID gayundin umano sa mga kawani na naghatid ng mga ayuda sa mga pamilyang naapektuhan.

Panalangin pa niya, ayon kay Mayor Aida na wala na sanang maitalang kaso ng COVID sa kanyang bayan, at sakaling may magpositibong muli, nananatili umanong tapat ang Lokal na Pamahalaan sampu ng mga kawani na handang umaksyon at magmalasakit.

Article Tags:
· ·
Article Categories:
COVID-19 News

Leave a Reply

Shares