EducationNews

Ika-118 taong anibersaryo ng BNHS, idinaos

0

Itinaon sa flag raising ceremony, noong Lunes ng umaga ang simpleng pagdiriwang ng ika-118 taon ng pagkakatatag ng Bataan National High School, dating kilala bilang Cayetano Arellano Memorial High School.
Pinangunahan ni Dr. Alma Poblete, Punong Guro ng BNHS ang pag-aalay ng bulaklak sa rebulto ni dating Chief Justice Cayetano Arellano kasama ang iba pang mga opisyal ng paralan, GPTA, samahan ng mga guro at Supreme Student Council.

Sa maiksing mensahe ni Bb. Poblete ay binanggit nya na si Cayetano Arellano na kauna-unahang Punong Mahistrado ng Korte Suprema sa administrasyon ni dating Pangulong Emilio Aguinaldo, ay isang BataeƱo.
Ginamit na rin ni Dr. Poblete ang pagkakataong iyon upang paalalahanan ang mga mag-aaral sa nalalapit na final exam, na sana ay mag-aral silang mabuti at nang sa gayon ay wala silang pagsisihan sa kanilang makukuhang grado.

Isinabay na rin sa pagdiriwang ang Chinese Mandarin Festival na kasama sa kanilang Special Program on Foreign Language (SPFL) na nagpasaya sa mga mag- aaral dahil sa iba’t ibang gawain na sinimulan sa isang parada, na sinundan ng presentasyon ng sayaw at awit na may temang Chinese at timpalak kagandahan.

Bataan strengthens primary health care

Previous article

Investors eye impressive business atmosphere of Pilar town

Next article

You may also like

Comments

Comments are closed.

More in Education