banner

Inter-barangay basketball league, sinimulan sa Balanga

Written by
  • Mhike R. C.
  • 1 month ago

Pinasimulan nitong Sabado ang Inter- Barangay Basketball League sa Siyudad ng Balanga, Bataan.

Ang programang ito ay sa pangunguna ni Sangguniang Kabataan Federation City of Balanga President Jim Espinosa. Dumalo sa naturang grand opening ng paliga si Pusong Pinoy Partylist Congressman Jett Nisay.

Ayon kay Cong. Nisay, layunin ng programang ito na mabigyan ng malulusog na pangangatawan at kasiyahan ang mga kabataan ng bawat barangay.

Kasamang dumalo ni Cong. Nisay at nag paabot ng suporta sina City Councilors Liza Vasquez, Pedro Yuzon, Christian Manalaysay, Oliver Enriquez (HPB coordinator) at ang mga Youth Health Ambasadors.

“Dati pa man ay hangad ng inyong lingkod ang pagkakaroon ng malusog na pamayanan sa bawat bayan. Kaya asahan po ninyo ang walang sawang pagsuporta natin sa ating mga kabataan!,” pahayag pa ni Cong. Jett Nisay.

Article Tags:
· · · ·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares