Nakatakdang pasinayaan ngayong buwan ng Enero 2021 ang bagong tayong 40-bedroom isolation facility sa bayan ng Dinalupihan ayon kay Mayor Gila Garcia.
Sinabi pa ng masipag na Mayora na wala pa umanong mga hotel sa kanilang bayan na pwede sanang gamitin na isolation facility, at ang tangi lang umano nilang nagamit noon ay mga paaralan na alam naman natin na kakailanganin na ng mga guro sa kanilang pagtuturo sa mga bata.
Ang nasabing pasilidad na may 40-bedroom capacity ay hahatiin sa: 20 kwarto ay ilalaan para sa mga COVID-positive at 20 gagawing isolation rooms para sa mga suspected. Bawat kwarto ay fully air-conditioned at may sariling comfort room.
Sa manpower ayon pa kay Mayor gila ay inaasahan nila ang pakikipagtulungan ng BGHMC para sa mga COVID positive samantalang ang mga COVID suspect ay pangangasiwaan ng LGU.
Ang kagandahan umano sa pasilidad na ito, ang lahat ng pasyenteng i-aadmit dito ay walang babayaran tulad ng mga ginagawa sa lahat ng pasilidad sa COVID sa buong lalawigan, paglilinaw pa ni Mayor Gila Garcia.