banner

Itatayong post-harvest center, karangalan para sa Abucay

Written by
  • Zeny S.
  • 3 months ago

Ikinatuwa ni Mayor Liberato Santiago ang pagtatayo ng pinakamalaki at pinakamodernong post-harvest facility sa buong bansa, Brgy. Calaylayan, na kamakailan lang ay pinasinayaan.

Ayon kay Mayor Santiago na malaking karangalan umano na makikilala ang kanilang bayan sa pagkakaroon ng nasabing pasilidad kung kaya’t malaki ang pasasalamat niya kay Gov. Abet Garcia, Mayor Gila Garcia, Israeli government at iba pang stakeholders, na pinili ang kanilang bayan para doon ilagay ang 1Bataan Post-Harvest Center.

Sinabi pa ni Mayor Santiago na ang nasabing pasilidad na tugon sa suliranin ng mga magsasaka sa buong lalawigan ay inaasahang makatutulong din upang mabigyan ng hanapbuhay ang kanyang mga kababayan sa Abucay.

Samantala, tiniyak naman ni Mun. Administrator/Engr. Ernesto Vergara na ibibigay nila ang lahat ng suporta para higit pang mapabilis at maisaayos ang pagtatayo ng nasabing pasilidad.

Article Categories:
Agriculture · News

Leave a Reply

Shares