Ito ang buod ng Homilya ni Bishop Santos sa kanyang misa sa Sanctuario de la Sagrada Familia sa bgy Tala, Orani kamailan ni Bishop Ruperto Cruz Santos bilang banal na pasasalamat sa health care and medical frontliners sa kanilang paglaban sa COVID-19.
Ayon kay Bishop Santos, ang idinaos na misa ay bilang pagkilala sa mga pagtitiyaga ng mga frontliners para sa mga mamamayan sa buong lalawigan, sa pagtataya ng kanilang buhay upang ang lahat ay manatiling malakas, malusog at ligtas sa panganib at pangamba dulot ng pandemic.
Ang Santa Misa ayon pa kay Bishop Santos ay alay sa mga frontliners upang patuloy umano silang patnubayan at gabayan ng ating Panginoong Diyos na maging malakas, malusog at ligtas din tulad ng kanilang mga inaalagaang pasyente.
Dagdag pa ng Obispo, ang COVID-19 pandemic ay ang ating krus sa ngayon, ito umano ang panibagong daan na kailangan nating tahakin, tanggapin, pasanin at higit sa lahat, ang IATF protocols na kailangang sundin para sa kaligtasan ng lahat.
“Salamat po sa mga minamahal naming medical frontliners sapagkat sa panahong ito ng panganib at kahirapan sa pinagdaraang pandemya kayo ang nagsilbing kamay na nag aalay at kamay na nagbibigay buhay, na nawa kayo ang makabagong Simon at Cyrene upang kami ay alalayan, gabayan at tulungan sa landas ng Krus na ito”, dagdag pa ni Bishop Ruperto Cruz Santos.