News

Karagdagang aksyon vs COVID-19 ipinatutupad sa Bataan

0

Naglabas ng mga karagdagang hakbang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan upang maiwasan ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 kung saan ang ilan ay kumpirmadong Delta variant.

Sa isang press conference nitong Lunes, iniulat ni Bataan Governor Albert Garcia na magkakaroon pa ng mas pinaigting na contact tracing sa mga pasyenteng nagpositibo at magha-hire din ng mga karagdagang contact tracers sa tulong ng Department of the Interior and Local Government o DILG.
Magpapatayo rin ng mga modular hospitals ang pamahalaang panlalawigan katuwang ang Department of Public Works and Highways.

Sa bayan ng Mariveles kung saan may pinakamataas na bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 at mayroong naitalang Delta variant, sasailalim naman sa granular lockdown ang mga barangay na may mataas na kaso kabilang na ang Biaan, Balon Anito, at Camaya.

Kasabay nito ay muling nagpaalala si Garcia sa publiko na patuloy na sumunod sa mga health protocols na ipinatutupad ng pamahalaan at magpabakuna upang makamit sa lalong madaling panahon ang herd immunity sa lalawigan.

Dagdag pa niya, mahigpit pa ring ipinagbabawal ang mga malawakang pagtitipon dahil isa ito sa mga nakitang sanhi ng hawahan bukod sa mga umuuwing Authorized Persons Outside of Residence (APOR) na nagtatrabaho sa mga lugar na may matataas na kaso tulad ng Metro Manila.

Gov. Garcia optimistic of easing economy

Previous article

Subic Freeport workers start receiving COVID-19 vax

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in News